Patuloy ang pagdami ng mga gasoline station sa bansa na nakikiisa sa fuel discount program ng pamahalaan para sa mga public utility vehicle (PUV) bilang tugon sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng programang BOSES kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza II, sinabi nitong isinasaayos na nila ang bilang ng mga gasolinahang nakapuwesto sa mga strategic point ng iba’t ibang passenger route sa bansa.
Ayon sa LTFRB, kung mas mailalapit sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon ang fuel discount program, mas marami rin itong matutulungan.
Sinisikap din ng LTFRB na mapataas pa ang utilization rate ng nasabing programa.