Bahagya pang bumilis ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,850 km silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa sentro, pagbugsong haggang 70km/h habang kumikilos sa bilis na 20km/h.
Inaasahang papasok ito ng PAR sa weekend o bukas ng gabi hanggang linggo ng umaga at tatawaging bagyong Francisco.
Ayon sa PAGASA, posible itong lumakas bilang tropical storm ngayong hapon o gabi at maaaring umabot sa typhoon category pagsapit ng Linggo, bagamat hindi pa inaasahang magla-landfall o tatama sa kalupaan.
Posible naman itong magpalakas ng Habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.
