Sumampa na sa ₱283.6-million ang halaga na tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa walang tigil nitong relief operations sa mga lalawigang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon sa DSWD, kabilang sa nailaan nitong tulong ang family food packs na umabot na rin sa halos 400,000 mga kahon.
Nagpapatuloy na rin ang pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, at mga na-ospital dahil sa sakuna.
Inaasahan naman ng DSWD na madaragdagan pa habang nagpapatuloy ang response at recovery operations.
As of June 19 ay mayroon pang higit 5,000 pamilya o katumbas ng 22,000 indibidwal ang nananatili pa rin saevacuation centers dahil sa epekto ng lindol.
Nananatili namang naka-standby ang nasa ₱5-billion pang pondo ng DSWD para tugunan ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong LGU.