Nagtungo na rin sa Mindanao ang humanitarian contingent ng Quezon City Government para maghatid ng karagdagang tulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato.
Kabilang sa ipinadalang grupo ang mga kawani mula sa City Health Department, Social Services Development Department, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Public Affairs and Information Services Department.
Bahagi ito ng suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga apektadong pamilya at mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng tulong matapos ang sakuna.
Tiniyak din ng QC Government na nakahanda itong magbigay ng humanitarian aid, medical assistance, at iba pang suporta para makatulong sa pagbangon ng mga komunidad na pinadapa ng lindol.
📸 QC LGU


