Photo courtesy of Cpl. Rodgen V. Quirante PA/OCPA
Pormal nang nagtapos ang SALAKNIB Exercise sa pagitan ng mga Hukbong Katihan ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia.
Kasunod nito, nagpasalamat si Philippine Army Chief, LtGen. Antonio Nafarrete sa lahat ng mga sundalong lumahok, nangasiwa at nagbigay suporta sa matagumpay na pagsasanay
Sa mensahe ni Nafarrete na binasa ni Army Vice Commander, MGen. Efren Morados, binigyang-diin nito na higit pang napalakas ng pagsasanay ang kanilang inter-operability at pagpapalitan ng mga kaalaman gayundin ng kasanayan.
Naging bahagi ng mga pagsasanay ang foundational training activities, Joint Pacific Multinational Readiness Center Exportable drills, at operational maneuver training.
Ang SALAKNIB na nangangahulugang “KALASAG” sa dayalektong Ilokano ay patunay ng matagal at matatag na alyansa ng Pilipinas at Amerika, gayundin ng iba pang mga kaalyadong bansa.