Photo courtesy of Bureau of Plant Industry
Mas binibigyang-buhay ngayon ang bagong pagkilala sa mundo ng social media ang Orange sa tawag na “Sharmaine” dahil sa ginawang memes ng isang blogger.
Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) Baguio National Crop Research and Production Support Center Chief Juliet Ochasan, Ph.D., sinabi nitong wala pa silang natatanggap na pormal na aplikasyon kaugnay sa pagpapalit ng pangalan ng Orange sa “Sharmaine”.
Dagdag pa ni Dr. Ochasan, ang pagpapalit ng pangalan ay dumadaan sa variety registration o proseso sa pagpapalit ng isang pangalan ng prutas base sa kanilang variety sa ilalim ng National Seed Industry Council.
Binigyang-diin pa niya, nakadepende ang pagbibigay ng aprubadong pangalan sa isang uri o variety ng prutas kung sino ang nakatuklas nito o kung saan man ito makikita at iba pa.
Nilinaw din ni Dr. Ochasan na hindi opisyal na pangalan ang “Shamaine” sa isang variety ng citrus fruit at tanging gawa-gawa lang ito sa social media.
Samantala, nasa proseso na sa pagsasaayos ng pangalan ang isang uri pa ng strawberry bilang “Sweet Charlie”.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy naman ang produksyon ng Dalandan, Lemon at Kalamansi na may pangalan na “Makasim” na pinagsamang “makatas” at “maasim” sa Baguio City, Benguet.