Pinapaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na hanggang July 31, 2026 na lamang ang pagpapalawig ng bisa ng driver’s license, conductor’s license, student-driver’s permit, at rehistro ng sasakyan.
Kasama rin sa naturang extension ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal ng mga nabanggit na dokumento hanggang sa itinakdang petsa.
Ayon sa LTO, pagkatapos ng July 31, 2026, ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew ay papatawan ng kaukulang multa para sa late renewal.
Dahil dito, pinapayuhan ng ahensya ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na ipa-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang deadline upang maiwasan ang abala at mga kaukulang parusa.