Iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Ma. Theresa Lazaro na “sovereign rights” ng bansang China ang naging kautusan nito na pag-ban kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at sa kanyang pamilya sa pagtungo sa China, Macau, at Hong Kong.
Ayon kay Lazaro, maging si Sec. Teodoro sa isa sa kanyang social media post ay nagsabi na bahagi ng “sovereign rights” ng China ang naturang aksyon, na iginagalang naman ng Defense Secretary.
Sa ngayon, nais munang tutukan ng DFA ang mga isinumite nitong diplomatic protest sa China kaugnay pa rin ng mga aktibidad ng nasabing bansa sa West Philippine Sea at sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.