Inilarawan ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Dave Gomez na “very good job” ang naging performance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na ASEAN-Russia Commemorative Summit 2026 sa Kazan, Russia.
Ayon kay Gomez, hindi biro ang naging papel ni Pangulong Marcos sa nasabing summit dahil dalawang posisyon ang bitbit ng Punong Ehekutibo sa kanyang pagdalo sa Russia, na parehong matagumpay na nagampanan.
Lubos din ang pasasalamat ni Sec. Gomez sa mainit na pagtanggap ng Russian Federation sa delegasyon ng Pilipinas.
Hindi rin maitatanggi, ayon sa kalihim, ang naging matagumpay at produktibong bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin, kung saan tinalakay ang ilang usapin, partikular ang pagpapalakas pa ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Russia.