Ipinatupad na ang price freeze sa household Liquefied Petroleum Gas o LPG na tumitimbang ng 11 kilo pababa at mga produktong kerosene sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tboli, South Cotabato, at Lake Sebu, South Cotabato matapos ideklara ang State of Calamity sa mga nasabing lugar.
Ayon sa Department of Energy (DOE), awtomatikong umiiral ang price freeze sa loob ng 15 araw mula sa deklarasyon ng State of Calamity. Layunin nitong maprotektahan ang mga mamimili laban sa posibleng hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing energy products habang nahaharap ang mga komunidad sa krisis.
Sa Puerto Galera, ipinatupad ang State of Calamity dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig. Samantala, sa Tboli at Lake Sebu sa South Cotabato, dulot naman ito ng matinding pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol at mga kasunod nitong aftershocks. Sa ilalim ng price freeze, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtaas ng presyo ng LPG at kerosene, habang maaaring ipatupad ang anumang rollback kung may pagbaba sa presyo.