Napakalaki ng nakikitang potensiyal ng Department of Tourism (DOT) sa Halal tourism sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Sec. Dita Angara-Mathay, nakikita ng pamahalaan ang Halal tourism bilang isang malaking economic driver at tiniyak ang suporta at kooperasyon para sa pag-develop pa ng mas maraming Halal-certified tourism products.
Ayaw umanong palagpasin ng Pilipinas ang lumalaking demand sa Halal-certified products at ang pagtutok sa mga positibong economic advantages sa ilalim ng Halal tourism.
Sa katunayan, target ng bansa na mapabilang sa top destinations pagdating sa usapin ng Halal tourism at lalo pang makilala sa buong mundo pagdating sa Halal products.