Simula bukas, Hunyo 22, muling tatanggap ang 262 sangay ng Mercury Drug sa buong bansa ng mga Guarantee Letter mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, maaaring gamitin ang mga ito sa pagbili ng gamot at iba pang mahahalagang medical supplies.
Layunin ng kasunduan na mapalawak ang access ng mga benepisyaryo sa mga kinakailangang gamot at mapabilis ang pagkuha ng medical assistance.
Bahagi rin ito ng pagpapalakas ng pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
Nakipagpartner na rin ang DSWD sa Generika Drugstore upang madagdagan ang mga botikang tumatanggap ng guarantee letters.