Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang masusing pagsusuri sa General Santos Fish Port Complex matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa lugar.
Kasunod ito ng inspeksyon noong Hunyo 8 at 9, kung saan pansamantalang ipinasara ang Market Halls 1, 2, at 3, habang nilimitahan ang paggamit ng Market Hall 4.
Ayon kay Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Acting General Manager Glen Pangapalan, matatag pa rin ang pasilidad batay sa paunang pagsusuri.
Gayunman, kailangan pa ng karagdagang geotechnical investigation at iba pang inspeksyon dahil sa mga nararanasang aftershock.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa mga empleyado at iba pang gumagamit ng pantalan. Samantala, tuloy ang operasyon ng fish port sa ilalim ng mga contingency measure upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng isda at mga aktibidad sa pag-export sa General Santos City.
📸 DA