Muling nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang ilan sa mga nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldy Co kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Levito Baligod.
Ito’y para muling humarap sa pagpapatuloy ng preliminary investigation kaugnay ng patung-patong na reklamo na kanilang kinakaharap.
Kabilang na ang reklamong libel mula sa mga personalidad na kanilang inaakusahan o idinadawit na nakatanggap umano ng male-maletang pera.
Ani Baligod, sila ay magsusumite ng rejoinder ngunit hindi na ito nagbigay pa ng anumang detalye o pahayag bago pumasok sa opisina ng DOJ.