DOE, nakatanggap ng unmodified opinion mula sa COA para sa taong 2025
Ipinagmalaki ng Department of Energy (DOE) ang ibinigay sa kanilang unmodified audit opinion ng Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2025.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, ito ang pinakamataas na lebel ng audit opinion na ibinibigay ng COA.
Patunay naman ito na malinis at maayos ang paggastos ng budget ng departamento at transparent din sa publiko.
Nagpasalamat naman si Garin sa dedikasyon ng mga kawani ng DOE dahil sa tapat na pagseserbisyo sa publiko at sa propesyonalismo na ipinapakita nito sa kanilang trabaho.