Dalawang unexploded explosive ordnance o bomba na mga dekada ang tanda pero hindi sumabog ang natagpuan sa loob mismo ng compound ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Sabado, June 22.
Ayon sa Aviation Security Explosives and Canine Unit-NCR, natagpuan ito habang naghuhukay sa compound para sa isang construction project. Nasa 20 pounds ang bigat ng mga bomba pero ligtas naman itong natanggal mula sa lugar.
Itinurn-over na rin ito sa tamang unit para tuluyan nang ma-dispose.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Dionisio Bartolome Jr., direktor ng AVSEGROUP ang pagkilos ng kanilang mga tauhan para matiyak na ligtas ang mga aviation facilities sa bansa.