Photo courtesy of Rep. Jude Acidre
Umaasa si TINGOG Party-list Representative Jude Acidre na ngayong plantsado na ang liderato sa Senado ay dapat nang umusad ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Acidre kasunod ng pormal na pag-upo ni Senate President Sherwin Gatchalian bilang bagong Pangulo ng Senado.
Ayon kay Acidre, ngayong maayos at stable na ang pamunuan sa Mataas na Kapulungan, nararapat lamang na magtuloy-tuloy ang proseso upang matapos ang isang patas, maayos, at credible na proseso.
Ipinaalala rin ni Acidre, na ang magiging hatol sa paglilitis na sisimulan sa July 06 ay dapat magmula sa katotohanan, ebidensya, at umiiral na batas, sa halip na idaan sa ingay o politikal na pressure.
Aniya, ang usaping ito ay hindi lamang umiikot sa politikal na kapalaran ng isang opisyal bagkus patunay na buhay ang hustisya at maayos na gumagana ang mga institusyon sa bansa pagdating sa pananagutan.