Courtesy of PNP
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na humiling ng security assistance ang Senado bilang bahagi ng mga hakbang sa paghahanda at contingency planning para sa mga nalalapit nitong opisyal na aktibidad.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang namomonitor o nabeberipikang anumang banta na may kaugnayan sa mga naturang aktibidad.
Gayunman, bilang bahagi ng paghahanda, nagsagawa na ang PNP ng Security Survey Inspection sa venue at mga karatig na lugar.
Aniya, magsisilbing batayan ang resulta nito sa paglalatag ng kaukulang security deployment, koordinasyon, at contingency arrangements.
Samantala, tiniyak ng PNP sa Senado at publiko na gagawin nito ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng lahat at propesyonal na pagpapatupad ng batas