Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na siyam ang kumpirmadong nasawi bunsod ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Batay sa datos ng NDRRMC as of 8am ngayong Martes, pawang nagmula sa Region 11 (Davao) ang mga kumpirmadong nasawi dahil sa lindol.
Habang ang 68 na napaulat na nasawi ay kasukuluyan pa ring isinasailalim sa validation ng Management of the Dead and Missing ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Samantala, nananatili naman sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa lindol habang 31 ang bilang ng mga nawawala.
Umakyat din sa 18 ang bilang ng mga lokalidad sa Mindanao na nagdeklara ng State of Calamity habang aabot naman sa ₱368 milyong pisong tulong ang naipaabot ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.