Tuloy-tuloy na libreng bigas sa bisa ng LGSF at “Mula sa Puso para sa Pamilya” initiative, tiniyak ni MMC Pres. Francis Zamora
Tiniyak ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi lang Metro Manila ang mababahaginan ng libreng bigas kung hindi maging ang iba pang lungsod sa buong bansa.
Kaugnay pa rin ito ng isinagawang Mula sa Puso para sa Pamilya initiative na pinangunahan mismo ni First Lady Liza Araneta Marcos.
Ayon kay Zamora sapat pa ang pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund o LGSF para sa pagpapamahagi ng libreng bigas sa mga residente.
May nalalabi pa kasing tranches bago ang pagtatapos ng taong 2026 para maipamahagi ang libreng bigas.