Photo courtesy of House of Representatives
Nanawagan si Akbayan Party-list Representative Chel Diokno sa Department of Education (DepEd) na agarang sugpuin ang umiiral na “culture of silence” o ang pananahimik ng mga biktima ng ‘bullying’.
Ito ay matapos lumabas sa mga ulat na pambu-bully ang umanong nagtulak sa dalawang menor de edad na mamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon pa sa mambabatas, ang ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na nagpapakita kung paanong ang pambu-bully ay nagdudulot ng negatibong aksyon ng mga estudyante.
Kaugnay nito, hinimok niya ang DepEd na magsumite ng mga panukalang pondo para sa mga anti-bullying programs, kabilang ang pagpapalawak ng Learner TeleSafe helpline upang maging accessible sa mga rehiyon.
Hinggil naman sa muling uminit na usapin sa pananagutan ng mga menor de edad na nakagawa ng mabibigat na krimen, ipinaalala ni Diokno na may sapat na ngipin ang kasalukuyang batas.
Handa naman aniya ang Kongreso na suportahan ang DepEd sa pamamagitan ng karagdagang badyet at mga batas upang matiyak na ang mga paaralan ay manatiling ligtas.mananatiling ligtas at payapang kanlungan para sa mga kabataang Pilipino.