Photo courtesy of DepEd
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaigting ng Security Protocols sa mga Paaralan kasunod ng nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City kahapon.
Ito ang inihayag ni Education Sec. Sonny Angara, kasunod ng kaniyang pagbisita sa nasabing paaralan kung saan, pinulong niya ang mga stakeholder.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, lokal na pulisya, at kanilang regional counterparts para sa pagbabalangkas ng mga hakbang upang hindi na maulit ang insidente.
Matapos ang pagpupulong, agad binisita ng Kalihim ng mga sugatang estudyante sa insidente na nagpapagaling sa Leyte Provincial Hospital.
Doon, kinumusta ng Kalihim ang kalagayan ng mga estudyante at kanilang pamilya gayundin ay tiniyak ang patuloy na suporta at tulong mula sa Kagawaran.