Aarangkada na simula ngayon ang dalawang-araw na pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival sa Lungsod ng San Juan.
Sa abiso ni San Juan City Mayor Francis Zamora, alas-3:30 mamayang hapon isasagawa ang Parada at Street Dance Competition habang bukas naman ng umaga, araw ng pista, isasagawa ang Santong Tao, Parada ng mga Fire Truck at Basaan.
May temang “Wattah Wattah 2026: Basbas ng Kasarinlan, Bendisyon ng Kapayapaan” itatampok ang mayamang kultura ng lungsod gayundin ang pagiging pagka-malikhain at bayanihan ng mga San Juaneño.
Nasa 10 Barangay ang kalahaok sa parada kung saan, nagtalaga ng dalawang istasyon, isa sa San Juan City Hall at isa naman sa National Government Center.
Una nang nagtalaga ng BASAAN Zone ang LGU kung saan, mahigpit itong ipatutupad sa mga piling lugar lamang sa lungsod at may katapat na parusa para sa sinumang lalabag.