Ipinatutupad na ang bagong istratehikong pamamaraan ng Department of Agriculture – Philippine Fiber Industry Development Authority (DA-PhilFIDA) na magpapalakas sa industriya ng hibla.
Ayon kay DA-PhilFIDA Executive Director Arnold “Ali” Atienza, obligado na ang kanilang mga tauhan na magtanim ng abaka pagkatapos sugpuin ang pag-atake ng mga peste sa mga taniman.
Dagdag pa ng opisyal na mahalaga pa rin ang suporta ng mga lokal na pamahalaan upang mas lalong sumigla ang nasabing industriya.
Binigyang-diin pa ni Atienza na sagana sa abaka ang buong bansa.
Mayroong programa ang ahensya na naglalayong turuan ang mga asawa ng mga abakalero na gumawa ng mga abaca school bag na maaaring mabenta ng ₱900 bawat isa.
Patuloy ang isinasagawang pag-aaral ng ahensya sa mga produkto na mayroong halong abaka tulad ng bullet-proof vest, plastic, papel, plywood, armchair, at iba pa.