Paaabutan ng pamahalaan ng tulong pinansiyal ang mga naulilang pamilya ng tatlong estudyanteng nasawi sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban city.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, makatatanggap ang mga ito ng tig-P150,000.
Bukod dito, magtutulong aniya ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkakaloob ng psychosocial services sa lahat ng apektado ng insidente.
“The DSWD and DOH will provide psychosocial services to everyone affected by the Tacloban shooting incident. Each family of those who died will be given financial assistance of P150,000.” —Usec. Castro.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Castro na labis na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring insidente, at inutos ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.