Police Regional Office 8
Inihayag ng Police Regional Office 8 (PRO 8) na isa sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City ay umano’y naimpluwensyahan ng larong Gorebox.
Ayon kay PRO 8 Regional Director PBGen Jason Capoy, nilalaro ng 14 na taong gulang na suspek ang Gorebox, isang video game na naglalaman ng mararahas na tema.
Ito ay physics-driven na action at sandbox game kung saan ang tutok ay ang paglikha, pagmamanipula, at pagwasak ng mga bagay at karakter.
Binanggit din ni Capoy na ang laro ay may pagkakatulad sa Roblox, na minsan nang naiugnay sa mga usapin ng karahasan, maling impluwensya, at adiksyon sa ilang kabataan.
Samantala, nananatili sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa insidente, habang umabot na sa 20 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan.