Patuloy na tumataas ang bilang ng mga barkong bumabaybay sa Strait of Hormuz, matapos lagdaan ng Estados Unidos at Iran ang isang kasunduan upang wakasan ang kanilang digmaan.
Batay sa ulat ng CNN, naitala ang kabuuang 71 barko ang nakatawid sa naturang waterway sa pagitan ng mga araw ng Biyernes at Linggo.
Habang nasa humigit kumulang 24 na commercial vessels ang nakadaan sa Strait of Hormuz nitong Lunes, kabilang ang walong tankers at dalawang cargo ships na
na-kalabas ng Persian Gulf at anim na cargo ships na papasok dito, ito ay batay sa tala ng MarineTraffic.
Kahit bumubuti na ang sitwasyon sa Middle East, nagbaba rin sa pandaigdigang merkado ang presyo ng petrolyo. Tinatayang aabutin pa ng ilang linggo o buwan bago tuluyang bumalik sa normal ang operasyon sa Strait of Hormuz.
(Photo: Britannica)