Mas pagiigitingin pa ng Southern Police District ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga eskwelahan para tiyaking ligtas ito para sa mga estudyante.
Ayon kay police Brigader General Glenn Oliver Cinco, District Director ng SPD nakahigh alert ngayon ang mga pulis at nakadeploy para sa patrol duties sa loob at labas ng mga eskwelahan.
Magkakaroon din ng mga school visitation ang ibat ibang istasyon ng SPD at dayalogo sa mga school officials kung saan ituturo ang proactive campus safety at security measures.
Mas palalakasin din ang koordinasyon ng mga eskwelahan sa mga pulis sa mga oras na may banta, concern na may kinalaman sa mga guto at estudyante.
Tiniyak naman ng SPD na patuloy silang aalalay sa lahat ng mga eskwelahan para tiyakin na ligtas ang mga magaaral.