Napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 Status nito sa 2025 Trafficking in Persons Report ng Estados Unidos sa ika-10 magkakasunod na taon.
Gayunman, nananatiling malaking hamon ang paggamit ng teknolohiya sa human trafficking.
Ayon sa International Justice Mission (IJM), mas ginagamit na ngayon ng mga trafficker ang internet, social media, at iba pang digital platforms upang palawakin ang kanilang operasyon.
Kabilang dito ang online sexual exploitation ng mga bata.
Dahil dito, iginiit ng IJM ang paggamit ng artificial intelligence(AI) bilang kasangkapan laban sa trafficking.
Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, kailangan ng bansa ng Nationwide AI at Biometric System para sa mas mahigpit na border security.
Layon ng ipinanukalang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project na palakasin ang seguridad sa mga paliparan, pantalan, at border checkpoints.