Photo courtesy of DA-NFRDI
Patuloy ang isinasagawang pag-aaral ng Fisheries Postharvest Research and Development Institute (FPRDI) ng Department of Agriculture – National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI) hinggil sa Atcharang Dampalit.
Ayon kay DA-NFRDI-FPRDI Science Research Specialist II Angellie Fernandez, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsasaliksik para maging standarized na ang proseso ng Atcharang Dampalit na maaaring dagdag-kita sa mga mangingisda.
Tiniyak ng eksperto na ligtas itong kainin mula sa backyard farming, sa mga gilid ng tubigan at kung saan-saan tumutubo dahil dumaan ito sa kanilang pagsusuri.
Nakitaan ng ahensya ng mataas na demand ang de boteng Atcharang Dampalit na may anim na buwang shelf life na nasa room temperature.
Mayaman sa vitamins, minerals, dietary fibers at antioxidants ang Dampalit at maaaring sahog sa panggisa.
Naglalaro sa ₱129 hanggang ₱149 ang bawat de boteng Acharang Dampalit kapag opisyal na itong inilunsad sa merkado.