Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa iba’t-ibang ahensiya upang mapataas pa ang antas ng seguridad sa mga paaralan partikular sa San Jose National HIgh School sa Tacloban City.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, higit sa pagdaragdag ng security personnel ay dapat matutukan din ang physical aspect ng seguridad tulad ng pagtataas ng bakod ng mga paaralan upang hindi ito basta-basta mapasok ng kung sino man.
Pinatututukan na rin ng DepEd ang behavioral response ng mga estudyante na dapat ding mabantayan ng mga guro upang agad silang matulungan kung may kinakaharap silang problema o sitwasyon.
Samantala, dinepensahan naman ni Sec. Angara ang mga guro at ang principal ng paaralan na sinisisi rin ng ilan dahil sa nasabing insidente.
Buwelta ng kalihim, na kung hindi dahil sa responde at proteksiyon ng mga guro at punong-guro ng paaralan ay tiyak na mas maraming estudyante ang napahamak at posibleng nasawi.