Nagbabala si ICC Trial Chamber 3 Presiding Judge Joanna Korner sa mga abogadong may kaugnayan sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paglalabas ng mga pahayag sa publiko na posibleng makaapekto sa mga pagdinig.
Sa ikalawang status conference ng ICC, partikular na binanggit ni Judge Korner ang mga naging komento noon ng dating abogado ni dating Pangulong Duterte na si Nicholas Kaufman, at ipinaalala sa mga miyembro ng legal team depensa man o prosekusyon na ang mga argumento ay dapat inihahayag sa harap ng korte at hindi sa pamamagitan ng media.
Oras kasi na ilabas ito sa publiko o media ay maaaring makaapekto rin ito sa mga gagawing court proceedings sa mga kasong kinahaharap ni dating Pangulong Duterte.