Pinalalakas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang transparency at mas mabilis na serbisyo sa pamamagitan ng Digitalization Roadmap Program.
Unang tututukan ng programa ang pag-digitize ng pagproseso ng permits at pag-isyu ng Certificates of Registration at Licenses to Sell. Nakatakdang simulan ang pilot testing sa katapusan ng buwan.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, layunin ng programa na mabawasan ang delay, mapabilis ang serbisyo, at maiwasan ang korapsyon.
Sa ilalim ng bagong sistema, maaari nang magsumite at magproseso ng aplikasyon online ang mga developer saan man sa bansa.
Magkakaroon din ng integrated database upang masubaybayan ang mga developer at matukoy ang may mga paglabag sa regulasyon.
Makikinabang din ang mga homebuyer dahil mas madali nilang mabeberipika ang lehitimasyon ng mga housing project bago mamuhunan.