Good News para sa mga nagpaplano ng kanilang next travel dahil may alok na mas mababang air fare ang Air Asia Philippine para sa iba’t ibang domestic at international flights.
Sa abiso ng kumpanya ang kanilang promotion na 20% off para sa base fare ay dahil nga bumaba ng fuel surcharge, jet fuel, at iba pang travel costs.
Ang siste naman ay maaaring mag-book ng ticket mula June 23 to 28 at ang travel period ay August 1, 2026 to March 31, 2027. Ang one way base fare ay nasa ₱319 lang.
Matatandaan na naglabas ng abiso ang Civil Aeronautics Board (CAB) na bumaba ang lebel ng fuel surcharge simula noong June 16 kaya inaasahan na ang pagbaba ng airfares ng mga airlines sa bansa.