Photo courtesy of Department of Tourism
Bumaba ang bilang ng mga turista sa Pilipinas mula South Korea nitong January to May 2026 kaya naman nakikipagtulungan na ang Department of Tourism sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para muling palakasin at makahikayat ng mga turista mula SoKor.
Sa isang panayam kay Tourism Secretaty Dita Angara-Mathay ang nakikita nilang dalawang dahilan bakit bumaba ang mga turista mula sa naturang bansa ay dahil sa pangamba sa seguridad at pagtaas ng travel costs sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.
Pero ngayon nakikipag-ugnayan na ang kagawaran kay DILG Secretary Jonvic Remulla para sa pagde-deploy ng security personnel na nakasibilyan at iikot sa mga paliparan at tourist sports para protektahan ang mga dayuhan sa bansa.
Makikipag-ugnayan din ang DOT sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA para sa promotional efforts na makakapagpababa ng travel costs sa bansa.
Ang South Korea ang dating pinkamadaming turista na nagpupunta sa Pilipinas pero sa datos ng DOT bumaba ito ng 9.5 percent kaya nanguna na ngayong ang Estados Unidos.