Photos courtesy of DSWD
Bumisita ngayong araw si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa pamilya ng mga estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Kasama sa binisita ng kalihim ang burol ng mga estudyanteng sina Joyancee Separa, at Chris Lorenz Fabian.
Sa kanyang pagbisita, inihatid ng kalihim ang pakikisimpatiya ng pamahalaan at tiniyak ang patuloy na suporta ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedya.
Kabilang sa ipinagkaloob ng ahensya ang tulong pinansyal, psychological first aid, at iba pang kinakailangang serbisyo para matulungan ang mga pamilya sa pagharap sa matinding pangyayari.