Inilahad ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang aniya’y tagumpay ng diplomatic engagement ng Marcos Administration na pagpapakita ng malasakit nito sa mga Pilipino na nasa labas ng bansa.
Ang paglalahad ay ginawa sa gitna ng patuloy na commitment ng Administrasyon sa lahat ng mga Pilipino na nasa bansa pati na ang mga nasa abroad.
Kabilang na dito ani Castro ang matagumpay na pagpapa-uwi sa may 24 na mga kababayan natin na naditene ng siyam na buwan sa Russia dahil sa Immigration issue.
Nandyan din, sabi ni Castro, ang naging pagpapa-uwi sa OFW na si Mary Jane Veloso matapos ang 15 taon ng pagkakakulong sa Indonesia.
Bunga din ng ugnayang diplomatiko, dagdag ni Castro, ang naging kaso ng 17 overseas Filipino workers na inaresto sa Qatar matapos na masangkot sa hindi otorisadong rally noong March 2025.
Ang naturang pagtitipon ay iniugnay sa pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang maaresto at mailipat sa kustodiya ng ICC.