Inihayag ng Malacañang na hindi ikinukubli ni Naga City Mayor Leni Robredo ang aniya’y kaluguran at pagpapahalaga nito sa mga ginagawa ng Marcos Administration.
Partikular na aniya dito ang agresibong pagpapatupad ng pangakong pabahay para sa mga Pilipino.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mismong ang dating nakatunggali ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na si Mayor Leni ay nagbahagi na hindi nito nakikita noon ang national government na ganito ka-agresibo sa mga proyekto para sa tao at ang budget for housing ay nagagamit nang husto at tama.
Kita, aniya, ng dating Bise Presidente ang sipag at dedikasyon ng Pangulo gayundin ng mga miyembro ng gabinete kung pag-uusapan ay paglilingkod sa bayan.