Tuhog ng ikinakasang imbestigasyon ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagsilip sa profile ng dalawang menor de edad na sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban.
Ito ang pahayag ni PNP Spokesperson Col. Allan Rae Co sa harap ng umuusad ng pagsisiyasat sa walang kapararakang shooting incident.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Co na bukod sa profiling ng mga involved na minors ay titingnan din ang upbringing o pagpapalaki sa kanila at environment sa kanilang tahanan.
Sa tanong kung pati mga magulang ng dalawang menor de edad na gunmen ay may pananagutan sa nangyaring karahasan, sinabi ni Col. Co na kanila itong ikinukunsidera.
Sa panayam sa mga naiwang ama at ina ng ilang mga nasawing biktima ay iginiit ng mga itong dapat ding managot ang mga magulang ng dalawang Children in Conflict with the Law.