Mas pinalalakas ng Pilipinas at Egypt ang ugnayan sa agrikultura, na nakikitang magbubukas ng bagong supply ng fertilizer at mas malaking merkado para sa mga produkto ng bansa.
Bukas si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mas malalim na partnership na magpapalakas sa seguridad sa pagkain at kita ng mga magsasaka.
Isa sa pangunahing tatalakayin ang posibleng long-term supply ng fertilizer mula Egypt, isa sa malalaking producer nito sa buong mundo.
Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang mga oportunidad at posibleng kasunduan sa mga fertilizer manufacturers para sa importasyon.
Sa larangan ng export, interesado ang Egypt na mag-angkat ng Philippine tuna, isa sa pangunahing agricultural exports ng bansa.
Isinusulong din ng Pilipinas ang mas malawak na access para sa saging, mangga, niyog, at iba pang prutas sa Egyptian market.
Patuloy ang kooperasyon ng dalawang bansa para sa halal development at iba pang agricultural initiatives na magpapalakas sa ugnayang pang-ekonomiya.