Inihahayag ng Department of the Interior and Local Government na malapit nang matapos ng PNP-CIDG ang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Ateneo student-athletes sa Aurora.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nasa huling yugto na ang dalawang linggong imbestigasyon matapos makapanayam ang halos isang daang katao.
Mahigit isang libo at dalawang daang pahina ng testimonya ang nakalap ng mga imbestigador upang mabuo ang kaso.
Sinabi ni Remulla na kumpiyansa ang CIDG sa kanilang case build-up at halos kumpleto na ang mga ebidensyang nakalap.
Ilang personalidad na lamang, kabilang ang dating mga manlalaro at kinatawan ng Ateneo management, ang nakatakdang kapanayamin.
Target ng CIDG na isumite sa Department of Justice sa Biyernes ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili, kabilang ang posibleng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018. | ulat ni Rey Ferrer