Senate of the Philippines
Tinawag ni Senate President Sherwin Gatchalian na isa nang krisis ang nagpapatuloy na karahasan sa mga paaralan.
Ito ay matapos maiulat ang isa na namang insidente ng karahasan kung saan sinaksak ang isang Grade 9 na mag-aaral mula sa Julio Ledesma National High School sa Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental.
Ayon kay Gatchalian, hindi pa man tapos magluksa ang bansa sa trahedyang naganap sa Tacloban, ay panibago na namang insidente ng karahasan ang naitala.
Binigyang-diin ng Senate President na hindi dapat payagang maging normal ang ganitong uri ng mga insidente.
Dahil dito, maghahain si Gatchalian ng isang resolusyon upang masuri ang lawak at bigat ng suliranin at matukoy ang mga posibleng solusyon upang mapalakas ang kaligtasan ng mga mag-aaral.