Habang pinaiigting ng Quezon City Local Government ang seguridad sa mga paaralan, nanawagan din si QC Mayor Joy Belmonte sa mga magulang na tutukan ang kanilang mga anak lalo na kung may pinagdadaanan ito.
Aniya, mahalagang matukoy agad ang mga “red flags” o mga senyales na maaaring may pinagdaraanang problema ang isang bata.
Hinikayat niya ang mga magulang na maglaan ng oras para sa pamilya at magkaroon ng regular na pag-uusap kasama ang kanilang mga anak.
Sa panig ng pamahalaang lungsod, tiniyak ng alkalde na nakatutok na sila para matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan sa loob ng mga paaralan.
Patuloy rin aniya ang pagpapatupad ng QC Anti-Bullying Program para maiwasan ang pang-aapi at mapalakas ang proteksyon sa mga mag-aaral.