Photo courtesy of Frontline Report Liberia
Sumampa na sa higit 1,000 kaso ng Ebola ang naitala sa Democratic Republic of Congo at kumitil ng 254 katao.
Halos lahat ng naitalang kaso ay nasa Ituri province sa hilagang-silangang parte ng bansa.
Sa kabuuan, nasa tatlong probinsya ang apektado ng Ebola ito ay ang Ituri, North Kivu, at South Kivu na tahanan ng 15 milyong mamamayan.
Kumalat na rin ang Ebola virus sa karatig na Uganda, kung saan nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng 20 kaso at dalawang pagkasawi, bagamat nananatiling kontrolado ang sitwasyon sa unang bahagi ng Hunyo.
Ang outbreak sa DR Congo ay sanhi ng Bundibugyo strain na wala pang panlaban na bakuna o lunas sa ngayon.