Nagsagawa na ng “motu proprio” investigation ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Matinding pagkabahala ang ipinahayag ng Komisyon sa insidente na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa.
Ayon sa CHR, kailangan ang agarang imbestigasyon at pananagutan, kasabay ng pagtiyak sa karapatan ng lahat ng sangkot.
Binigyang-diin din nito ang mahigpit na pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act dahil dalawang menor de edad ang itinuturong sangkot.
Nagpahayag din ng alarma ang CHR sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa dalawang paaralan sa Cavite nitong nakaraang linggo.
Nanawagan din ito sa mga awtoridad na palakasin ang seguridad sa mga paaralan at mga hakbang laban sa karahasan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.