Humigit-kumulang tatlong milyong punla ng samu’t-saring punong kahoy ang itatanim ngayong araw, June 25, 2026 sa 1,642 siyudad at munisipalidad para sa Arbor Day 2026.
Target na mataniman ang higit 1,500 ektaryang lupa sa araw na ito. Inaasahan ding nasa 188,000 katao ang makikiisa sa naturang pagdiriwang.
May temang “Luntiang Bukas”, gaganapin ang flagship celebration ng Arbor Day sa Padre Burgos, Maynila. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 643 at Republic Act 10176, pormal na itinatag ang Arbor Day upang hikayatin ang pagtatanim ng puno para sa climate resilience, ecosystem restoration, at biodiversity and protection.