Kaisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga Pilipino sa pananalangin para sa kaligtasan at mabilis na pagbangon ng mga komunidad na apektado ng magkasunod na lindol na tumama sa Venezuela.
“Deeply saddened by the devastating earthquakes that struck Venezuela. On behalf of the Filipino people, I extend our heartfelt sympathies.” — Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, magkasunod na 7.2 at 7.5 magnitude na lindol ang tumama sa Venezuela nitong Miyerkules.
Ayon kay Pangulong Marcos, ikinalulungkot niya ang nangyari, kasabay ng pagpapaabot ng simpatya sa mga biktima..
“The Philippines stands in solidarity with the Venezuelan people during this difficult time and hopes for the safety and swift recovery of all communities affected.” — Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) na wala namang naitalang Pilipino ang nasugatan o nasawi dahil sa dalawang malakas na lindol.
Base sa tala, nasa 74 ang Pilipinong naninirahan sa Venezuela, karamihan dito, religious missionaries.
Ang gobyerno, nananatiling nakabantay sa pinakahuling sitwasyon doon, at sa lagay ng mga Pilipinong naninirahan sa Venezuela.