Ipinauubaya na ng Council for the Welfare of Children (CWC) sa Malacañang ang pasya kung dapat na bang ibababa pa sa 12 years old ang minimum age na pinapapanagot sa batas.
Ang pahayag na ito ni CWC Usec Angelo Tapales ay sa gitna ng mga isinusulong na pababain ang edad na mayroong criminal liability, kasunod ng mga insidente ng pamamaril at pananaksak na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pa rin ang pasya hingil dito.
“While of course we understand the emotion are really running high, pero based on the data of the Juvenile Justice and Welfare Council po kasi, when we talk about children in conflict with law 70% po niyan ay iyong mga above 16 po ang naka-commit noong krimen doon sa datos ho natin. And 30% lang naman talaga iyong below 15 na nagiging exempt sa mga proseso ng ating batas.” -Tapales.
Sila aniya sa konseho, bukas sa mga diskusyon o pag-uusap, para sa pagpapalakas ng proteksyon para sa mga bata.
”We defer to the wisdom of the President ano, at the end of the day, we trust our President and the Council for the Welfare of Children is always open to discussion on how to improve child protection.” -Tapales
Maaari aniya silang maglatas ng mga pro at cons hingil dito.
”Iyong pag-revisit din nitong minimum age of criminal responsibility it’s a discussion na kailangan natin harapin iyan ngayon, so that Council for the Welfare of Children can also contribute to the discussion providing the pros and cons of lowering the minimum age of criminal responsibility.” -Tapales.
Sabi ng opisyal, batid nila ang sentimyento ng publiko hingil sa usaping ito.
Ang kanilang hanay, handa aniya na makipagtulungan upang makabuo ng resolusyon dito, lalo’t iisa naman ang nais ng lahat, protektahan ang mga kabataang Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan