Pansamantalang inalis sa puwesto ang Provincial Director ng Aurora Police Provincial Office na si PCol. Percival Pineda.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. kasunod ng pagkasawi ng dalawang Ateneo Blue Eagles player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay Nartatez, nagbitiw ng mga konklusibong pahayag si Pineda gaya ng walang foul play sa insidente kahit hindi pa ganap na tapos ang ginagawang imbestigasyon.
Nabatid na pinalitan si Pineda ni PCol. Cornelio Ordanza na siyang Officer-In-Charge ng nasabing Provincial Office.
Aabot sa 10 hanggang 11 indibidwal na karamihan ay mga miyembro ng basketball team staff ang posibleng madawit sa kaso.
Bukas, June 26, inaasahang maisusumite ng PNP sa Department of Justice (DOJ) ang resulta ng imbestigasyon at mga rekomendasyon ng CIDG sa kaso.