Screenshot from the United States Geological Survey
Nasawi ang mahigit sa 30 indibidwal at daan-daan ang napaulat na sugatan matapos yanigin ng dalawang magkasunod na malakas na lindol ang Venezuela nitong Miyerkoles, (Huwebes sa Pilipinas).
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), unang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa kanluran ng Caracas, ang kabisera ng Venezuela. Agad na sinundan ito ng magnitude 7.5 na pagyanig.
Dahil dito, dose-dosenang gusali ang gumuho sa nasabing siyudad at karatig lugar.
Patuloy naman ang rescue operations habang libo-libong residente ang hindi pa natatagpuan.
Nagbabala rin ang mga eksperto na maaaring umabot sa libo-libo ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa lawak ng pinsala.
Nagpahayag naman ng pakikiramay si Venezuelan Interim President Delcy Rodriguez sa mga apektadong pamilya at tiniyak ang tulong para sa mga biktima.
Samantala, nagbigay na rin ng tulong at suporta ang Estados Unidos maging ang iba pang mga bansa para sa relief at rescue efforts.
Patuloy ring nararanasan ang mga aftershock habang nagsasagawa ng malawakang operasyon ang mga awtoridad.